Videos gratis
Home Page
Pagina de inicio
Bookmark

Buscador


Video gratis Regine Velasquez - URDUJA

Video de June 25, 2008 showing pls! watch it!!!! Urduja 11 years in the making By Ian F Farinas THANK God for Antonio Tuviera and APT Entertainment, Inc, sa wakas, meron nang maipagmamalaking pulidong digital at traditional full-length animation movie ang Pilipinas Kung tutuusin, hindi ito ang kauna-unahang pagtatangka na gumawa ng isang Pinoy animated film Nariyan ang animator na si Gerry Garcia, na matatandaang bumuo ng Isko Adventures in Animasia, topbilled by Ogie Alcasid several years ago Pero, base sa teaser o plug ng APT project na Urduja, sadyang kakaiba ang kinis, ganda at presisyon nito, kaya masasabing finally ay nagtagumpay din ang mga Pilipino Sa isang pocket presscon kahapon ng tanghali, nilinaw ni Mr Tuviera na walang kinalaman ang naturang animation film sa pelikulang pinagbidahan ni Amalia Fuentes noong araw o maging ni Susan Henson Isa raw itong fictionalized character na larawan ng isang mabuting anak at matapang na Filipina Halaw ito sa isang parte ng screenplay na iniregalo sa kanya ng isang dating kapitbahay na direktor nu'ng 1971 Tampok sa boses ng principal characters sina Regine Velasquez sa title role na Urduja, Cesar Montano bilang Tsinong mandirigmang si Lim Hang, Eddie Garcia bilang Lakanpati, at Johnny Delgado sa papel na Wang, mortal na kaaway ni Lim Hang May partisipasyon din sina Epi Quizon bilang Daisuke, Allan K bilang Tarsir, Michael V sa papel na Kukut at Ruby Rodriguez bilang Mayumi sa ilalim ng direksyon ni Ramon Entienza Malaki ang pasasalamat ng produ sa mga artistang nabanggit dahil halos lahat sila'y tumanggap lamang ng token fee dala ng kawalan ng opisyal na rate para sa voicing dito sa 'Pinas Thankful din siya kina Mother Lily Monteverde at Vic Sotto sa pagpayag na maisingit ang Urduja teaser nu'ng nakaraang MMFF Libre naman, as in, walang talent fee, ang partisipasyon ng Asia's Songbird Unang itinago sa codename na Project 906 (mula sa numero ng hotel room ng apat-kataong production team sa Ortigas), ang proyekto ay masusing pinagtulungan ng halos 400 animators at graphic artists sa loob ng labing-isang taon Nagsimula itong i-conceptualize taong 1997 Si Joey de Leon, 2002-2003 pa nilikha ang movie theme, pati na ang apat pang awiting ginamit sa pelikula Ang BF naman ni Regine na si Ogie ang naglapat ng musika, na in-arrange naman ni Mon Faustino Four years ago pa raw kinausap ni Mr Tuviera si Regine at 2005 naman nakasundo sina Cesar at Epi Unang binuo ang final casting bago pa tinapos ang mga drawing, kaya naman may hawig sa mga artista ang kani-kanyang karakter sa big screen Meron itong 1,922 na eksena o katumbas ng 8,771 ft ng film Ang running total nama'y may 85,000 drawings Hindi biro ang hirap at pagod na kanilang dinanas sa paggawa ng Urduja, na nakatakdang ipalabas sa Hunyo Ayon nga kay Mr Tuviera, anim o pitong beses yata siyang muntik-muntikan nang sumuko, pero nanindigan at nagpursige pa rin Katuwiran niya, mahilig siyang sumugal sa isang bagay na pinaniniwalaan niya, lalo pa nga kung sa tingin niya, ito ay something worthwhile Apat sa 11 taon ay ginugol sa research at development, anim naman sa main production Bukod sa napakamahal gawin, nariyan din ang elemento ng trial and error Medyo nanibago raw ang Pinoy animators sa sinunod nilang proseso na script to screen, dahil malayung-malayo sa nakasanayan na sa Hollywood films, kung saan kumpleto na ang template at sinusundan na lang o dinaragdagan ang disenyo ng American counterparts Sa ngayon, alam ni Mr Tuviera na mahihirapan siyang bawiin ang ipinuhunan Pero 'di niya ito alintana dahil wala siyang ibang agenda kundi bigyang kasiyahan ang mga manonood at bigyang karangalan ang Pinoy animators sa sariling bayan Isa pa, napaka-personal nito dahil sa likas na pagkahilig niya sa animation Maging ang prospect ng pagpapalabas ng Urduja sa abroad, ayaw muna niyang i-entertain Para sa kanya, mas importanteng ma-appreciate muna ito rito bago dalhin sa ibang bansa Gaya nga raw ng lagi niyang sinasabi, nasa punto na siya ng buhay niya kung saan mas gusto niyang may maibigay o mai-contribute sa industriya na bumuhay sa kanya at sa kanyang pamilya Mukhang tinutotoo naman niya, huh Kasi, kahit labis na nahirapan, ngayon pa lang ay may inihahanda na silang basic story ng susunod na animated film Sa tantiya ni Mr Tuviera, magiging ready ang sophomore animation venture ng APT Entertainment sa taong 2010 o 2011 Dama niya, mas magiging madali nang gawin ang ikalawang proyekto dahil sa mga leksiyong natutunan sa mga pagkakamali nu'ng una Kung walang magiging aberya, in three to four years time raw, tapos na ang second animated film Bukod sa mas mabilis, makatitipid din daw sila ng anyway between 20 and 25 percent sa production cost the next time around *************** credits to 1inheart for the video thanks!!!
urduja regine velasquez cesar montano eddie garcia apt seventoon animation



Comentarios del video
1
supercross1985
It looks beautiful,and lots of work went into it,maybe one day I will ...
2
mysterycharm03
i was amazed that they did this animation traditionally instead of usi...
3
Uchihahime11
I agree! its not comparable with disney BlackTurd, with your comment u...
4
beabautista
Why does everything we Filipinos do get compared to what we consider t...
5
yugimotosan
ang ganda ng animationsigurado akong mas gaganda pa yan sa mga susunod...

Videos parecidos

Miembros Videos

SOP's Back 2 Back to Christmas...

SOP's Back 2 Back to Christmas...

SOP's Back 2 Back to Christmas...

SOP's Back 2 Back to Christmas...

SOP's Back 2 Back to Christmas...

Menu


Ultimas busquedas