Video de Buhay ko'y nagbago mula ng makilala ka
Bawat araw na lumipas, gusto nang ika'y makasama
Upang ikaw na nga'y akin ng muling makita
At masabi sayo totoong mahal kita
Kahit na nga tayo'y malayo sa isa't isa
Di na magbabago pagmamahal ko sayo sinta
Pagkat ang puso kong ito'y nabihag mo na
Sana balang araw ikaw na ay makasama
Kung alam mo lang nadarama nitong puso ko
Masasabi mo sa sarili mong ikaw nga'y mahal ko
Lahat lahat ibibigay para lamang sayo
Upang maramdaman mo ang pagibig kong ito
Nung una kala ko di mo ko mapapansin
Kala ko di mapapansin lihim ko sayong pagtingin
Ako'y nagtapat sayo at ako'y kinabahan
Kala ko ika'y magagalit at ako'y iyong tatarayan
Pero ang kaba ko'y nawala at napalitan ng saya
Kasi sa puso mo ako'y binigyan mo ng tyansa
Dahil diyan ako naman sayo'y nagpapasalamat
At pangako ko sa'yo,lagi ako sayo'y tapat
Dati ang puso ko ay natutong maglaro
Ngunit dahil sayo kagaguhan ko'y naglaho
Ikaw na nga ang fairy sa fairytale ko
Kasi alam kong tutuparin mo lahat ng mga wish ko
Balang araw sana ako din ay iyong mahalin
Tayong dalawa'y masaya at lagi nang magkapiling
At pag ang araw na yan ay dumating na
Masasabi ko na ang buhay ko ay kumpleto na
Di ko sinulat tong kanta upang ika'y pabilibin
Gusto lang sabihin ang laman nitong aking damdamin
Ako'y nasasabik na ikaw ay makapiling
Gusto nang madama pagmamahal mo't mga lambing
Pagmamahal kong ito ay sayong sayo na
Wala nang ibang laman 'tong puso ko sinta
Kahit sino pa siya wala na kong pakeelam
Mahal kita!,yan lang ang aking alam
Ikaw ang tipo ng babae na hinahanap ko
Kay tagal kong naghintay na dumating ang tulad mo
Na sakin nagpapasaya at laging nagpapangiti
Sa tuwing naiisip ka at ang mapula mong mga labi
Kailan kaya madadama ang yakap mo't mga halik
Sa pagmamahal mo, tunay ako'y nasasabik
Maisip ka lang parang ako na'y nasa langit
Ikaw lang nasa isip ko't walang ibang makasingit
Naaalala ko pag magkatxt tayo gabi gai
Kahit di kita kasama, parang tayo ay magkatabi
At ang oras,di na natin namamalayan
Ayoko nang matulog,basta ba'y makataxt ka lang
Naaalala ko din nung magkasama tayo buong maghapon
Ika'y tuwang tuwa, lalo na sa mga alon
At nung nahawakan ko mga kamay mong kay lambot
Ang mundo ko, para bang tumigil sa pagikot
Kasi kala ko sa panaginip ko lang yun magagawa
Mahawakan mga kamay mo,sakin isa yung himala
Pero mga kamay mo sakin ay di mo pinagkait
Nung nahawakan ko to,gusto ko nalang na pumikit
Tayo'y biglang nagkatinginan ng mata sa mata
Para bang nagtatanong ano ang yung nadarama?
Di ko na kailangan sabihin kung ano aking nadarama
Kasi nasabi ko na sayo mahal na mahal na kita
Kahit kailan hinding hindi na kita malilimutan
Mamahalin na kita hanggang sa dulo ng walang hanggan
Kasi dito sa puso ko ikaw nalang ang nagiisa
At pangako ko sayo,Ikaw nalang gurl forevah!!!
tinkerbell